Pages

Project 8 Whodunit Blog

MYSTERY STORIES OF THE MTRACKERS AND OTCHO BOYS. Plus other stories and fiction about Project 8 in QC.

Mausoleum na Lumitaw sa Subdivision


One Sunday early morning of October, just before Undas (Feast of the Dead), it just suddenly appeared there. A mausoleum. Right in the middle of the street! Imagine, dati-rati wala namang mausoleum dun, at sino bang nasa katinuan ng isip ang magtatayo ng mosoleyo sa subdivision? Syempre wala. Pero isang araw, andun na sya! Biglang sumulpot na parang kabute!

Sikyong Pedro, the village security guard and one of the Ocho Boys, was making his rounds that early morning when he found the strange mausoleum standing there between houses number 13 and 14 on the street parallel to M. De Ropa. He couldn't believe his eyes! "Ano yan?" ika sa sarili. "Wala namang ganyan dyan ah!"

Click the image above for more about this adventure e-book.


Nagpungas sya ng mga mata, baka namamalik-mata lang sya. But it was still there. Totoo sya! So he rang up the doorbells of houses 13 and 14 and asked about the mausoleum. The residents were equally shocked to find their new neighbor! "Ba't meron nyan dyan?" they asked. "Kahapon wala yan dyan! Natapos ako ng jogging kagabi ng 8 pm wala yan dyan!" one of them insisted.

"Ba't biglang napatayo yang mosoleyo na yan dyan?"

"At sino nagtayo?"

"Teka, teka!" awat ni Sikyong Pedro. "Ba't ako tinatanong nyo? Nagulat nga rin ako eh!" Nag-radyo sya sa barangay at binalita ang kaka-ibang pangyayari. Ang mysteryo. Ni-report naman ito ng mga tanod ke Captain Dan Caboy, ang barangay captain. Syempre, nagtaka si kapitan at na-ngisi. "Mosoleyo?" tanong nya. "Sa Project 8? Ano namang kalokohan ito?" Nagpadala sya ng ilang tanod.

Habang naka-nganga si Sikyong Pedro sa mosoleyo, me kumalabit sa kanya. "What's that doing there?" tanong ng kumalabit. "Is that a mausoleum?" tanong pa nito. Pag-lingon ni Pedro nakita nya si Jaden Mero, kasama ang utol nyang si Jonah. "Naku, yung English-spokening dollar!" sabi ni Pedro sa sarili. Patay tayo dito.  Mas prublema ko ang makipag-usap sa mga ito kesa dito sa nag-appear na mosoleyo!

"Ah...ah...mosoleyo is make sulpot there," sabi nya, umaasang nakapag-English sya kahit papano. "It's do not enter here!" dagdag nya.

Napatitig si Jaden sa kanya. "Mosoleyo? You mean mausoleum? Okay, what's it doing here?"

"Not me!" Iling-iling si Pedro. "I not put it there!"

"Of course you didn't," Jaden told him. Then he turned to his younger brother. "Mausoleum. What do you make of it?" Jonah returned his brother's stare. "Actually, I was kind-of expecting it to be there." Jaden stared questioningly. "What do you mean"? he asked. Jonah replied: "I saw it in my dream last night. An angel told me it's the enemy's optical illusion."

Jaden wondered. "Optical illusion for what?"

"For scaring people away from church!"

Nag-datingan na ang mga tanod at sinilip-silip ang mosoleyo. Di muna nila pinasok ito agad. Gusto muna nilang masiguro na ligtas itong pasukin. "Gamitan muna natin ng megaphone," sabi ng team leader ng mga tanod, o TL. Pagka-kuha sa megaphone, nanawagan ang TL: "Tao po! Tao po! Meron po bang tao sa loob nitong mosoleyo?"

Walang sagot.

Ilang ulit pang nanawagan si TL. Mamaya-maya, nag-decision na itong pasukin ang mosoleyo. Sinamahan sya ng dalawa pang mga tanod at ang apat ay naiwan sa me gate kasama ng mga nag-u-usi. Ni-ready nila ang kanilang mga yantok at flashlights. Bukas ang pinto kaya dahan-dahan silang pumasok. "Tao po!" hiyaw uli ni TL. Nang nasa loob na sila malapit sa nicho, biglang umihip ang isang mala-buhawing hangin. Tinangay sila nito at initsa sa labas na mistulang mga papel. 

Ka-blag!!!

Na-shock ang lahat. Malakas pa rin ang hangin. Matapos ang ilang sandali, agad silang binangon ng natirang apat na tanod at nilayo. "OK ka lang TL?" Hilong-hilo pa si TL at dalawa nitong kasama. "Ano ba yon?" tanong ni TL. Nagtago din si Sikyong Pedro sa likod ng poste at ayaw munang lumabas. Nakita nyang papasok sina Jaden at Jonah sa gate kaya binalaan nya sila: "Wait, there's more!"

Pero pagka-pasok ng mga kabataang ito, wala nang nangyari. Pumayapa ang malakas na hangin. Hindi na naka-porma ang mga diablong me pakana ng ilusyon. Pag-apak nila sa loob, biglang naglaho ang mosoleyo na parang usok o bula na hinipan ng hangin. Na-bura ang optical illusion ng kalaban. Me binulong sina Jaden at Jonah na kakaibang salita at nag-dugtong na uli ang house 13 sa house 14. Nadinig ng isang tanod ang bulong nila. "Orasyon ba yon?" tanong ng tanod sa kanila. Na-intindihan naman sya ni Jonah. Umiling ang binata. "It's prayer in angelic tongue," he answered.

Nang OK na si TL, tinanong niya si Jaden. "You said it was the enemy's optical illusion? Who's the enemy and why did he make an illusion?" Sumegundo naman si Sikyong Pedro. "Yes, why like that?"

Jaden explained: "The enemy is the devil and he created an illusion that would scare people and keep them from going out to attend church this Sunday."


Project 8 Whodunit Blog MYSTERY STORIES OF THE MTRACKERS AND OTCHO BOYS. Plus other stories and fiction about Project 8 in QC.

No comments:

Post a Comment