Me lola dun sa likod ng pila, pansin ni Roy. Volunteer frontliner si Roy (isa sa mga Ocho Boys) sa isang hospital sa QC. Andun sya sa Triage area, nagko-control ng mga taong naka-line up. Daming tao. It was the height of the Covid pandemic, and worse time when variants make infection doubly faster. Andaming nahahawa sa isang iglap lang. Wala na ngang lugar sa mga ospital for Covid patients.
Photo by RODRIGO GONZALEZ on Unsplash.
Yung mga naka-pila sa Triage mga papa-checkup. Wala nakasing room for Covid patients, puno na nag Covid wards. Kaya puro checkups lang ang pwede. Pero karamihan nag-uubuhan din at me sipon, kaya doble ingat si Roy habang inaayos ang pila at inaasikaso mga tao dun, lalo na sa pag-suot ng mask and shield.
"Ang dami nila lalo today no?" biglang sabi ng isa pang frontliner na babae. "Ah, oo nga e," sagot ni Roy na medyo nag-aalangan. Kasi, supposed to be sya lang ang assigned na mag assist sa mga patients sa Triage. Now lang nya nalaman, dalawa pala sila.
Click image for more about the e-book.
"Dito ka rin?" tanong ni Roy.
"Yup. Ako nga pala si Dianne," sabi ng babae na naka todo PPE din gaya ni Roy. "Kaninang umaga lang ako nag start dito. Kelangan daw ng added manpower dito," pangiting tugon ni Dianne. Maya-maya, dumating si Henry Bestor, friend ni Roy at tiga-Project 8 din. Ngumiti ito ke Roy at nag thumbs-up sign na ibig sabihin, "Musta pre! Hope you're good!" Nag thumbs-up din si Roy.
"Pre, ano atin? Napasyal ka dito!" tanong ni Roy.
"Kukunin ko lang lab test result ng tita ko," sabi ni Henry (isa sa mga MTrackers). Lumingon-lingon sya. "Dami palang tao, men! Grabe! Halos wala nang distancing! Sige pre, punta nako sa Releasing. Ingatz!" Umalis na si Henry. Bumaling ng tingin uli si Dianne ke Roy. "Friend mo?"
"Ay, sorry! Di na kita napakilala! Oo friend ko, taga samin sa Project 8!"
"OK lang. Distancing dapat, diba?" sagot ni Dianne.
Tumawag ang nurse na nasa desk cubicle, naka loud speaker ito. "Staff! Staff! Paki assist itong patient dito na wala pang form!" Nag-tinginan sina Roy at Dianne. "Ako na mag respond," pagkusa ni Roy. Agad sya pumunta sa desk cubicle at nag-assist. "Medyo bilisan mo, sabi ng nurse. "Me dalawa pa dun sa likod ng pila na walang forms at malabo ata mga mata, di mabasa ang nakasulat sa form," dagdag ng nurse sa kanya. Nag-request si Roy: "Paki instruct na din si Dianne dun sa likod," sabi nya habang nag-aabot ng form sa naunang patient. Pero tatlong patients pa kasi ang biglang humingi ng assistance kaya na pirmi sya sa harap ng pila.
Napa-tingin ang nurse sa likod. Sumulyap din ni Roy ke Dianne. Nakita nyang nag-aassist naman ito, lalo na dun sa matandang babae na kanina pa na-iintriga si Roy--puti ang buhok at damit. Matapos ma-assist lahat ng pasyente, nag-tambay uli si Roy at Dianne sa likod. "Si-sino yung matandang yun?" tanong ni Roy. "Parang weird," sabi nya. Na-ngiti si Dianne. "Scary ba ang dating?"
"White hair and white dress. Tipong pang ghost story," comment ni Roy, sabay hagikgik. Natawa din si Dianne. "Admitted sya dati pero ni-release na ng hospital kanina lang. Makiki-upo lang daw siya sandali," kwento ni Dianne. Napa-kunot noo si Roy. "Naku, delikado sya dito sa Triage. Immune compromised sya. Dun sya dapat sa lobby. Teka, assist ko sya."
At that point, pinigilan sya ni Dianne. "Wag na Roy. Anyway it's her time na. Ako na bahala sa kanya para maka-focus ka dito sa Triage." Naisip ni Roy na baka time na ni lola with her personal doctor sa clinic nito. Nagtaka lang sya na bat kelangan pa ni lola pumunta sa clinic ng attending physician nya? Sana bago sya ni-release, pinuntahan na sya ng duktor nya. "Hmp! Anyway..."
Bumalik na si Henry, dala-dala ang results. "Mabilis ko naman nakuha, pre!" ika nito.
"Ows? Mabuti naman!" sabi ni Roy. Nung dadaan na si Dianne at yung lola sa harap nya, nagbigay daan si Roy at nginiti-an ang matanda. "Bye lola!" sabi nya. Ngumiti ang lola at si Dianne, at napa-tingin din si Henry na nakataas ang kilay, parang nagtatanong sa nangyayari. Natawa si Roy sa isip nya. "Akala siguro ni Henry GF ko si Dianne. Hahaha. Chismoso!" sabi nya sa sarili.
"Ah, Henry, nga pala, sya si Dianne, fellow staff ko dito sa Triage. Dianne, si Henry, friend ko!" Nag-smile si Dianne. Nanlaki naman ang mga mata ni Henry. "Di man lang nag-smile tong friend ko," naisip ni Roy. "Isnabero!" Nang medyo nakalayo na sila Dianne at yung lola, bumulong si Henry ke Roy. "Anong Dianne ka dyan?" tanong nito. "Sino yung Dianne?"
"Teka-teka!" awat ni Roy, natatawa. "Staff-mate ko lang yun, no! Loyal kaya ako ke Mildred!" insist ni Roy sabay tawa uli. Maganda kasi si Dianne. Mukang maamong anghel ang itsura. Sexy pa! Artistahin. "Type mo?" alok pa ni Roy sa kaibigan.
Pero hindi natawa si Henry. Tinitigan nito lalo si Roy. "Pre, OK ka lang?"
Napatitig din si Roy, "Oo naman. Bakit?"
"Dianne? Lola? Anung pinagsasasabi mo? Baliw! Para kang me kausap kanina. Umuwi ka nga muna. Mukang wala ka pang tulog.."
MYSTERY STORIES OF THE MTRACKERS AND OTCHO BOYS. Plus other stories and fiction about Project 8 in QC.
No comments:
Post a Comment